Oo, tama ka! Akalain mo nga naman na puwede syang gamitin pang gripo sa mga nang-bubuwiset sayo. Puwede din siyang pang basag ng yelo para may malagay ka sa baso mo kapag mainit na ang beer.
Pero hindi naman yun ang titlo eh, Eye's Pick. Magkatunog lang. Yan ang naisip kong pangalan sa blog kasi nainggit ako sa mga kaibigan ko na may blogger. So, bakit nga ba Eye's Pick? Bakit? Kasi "word pun" at marami siyang ibig sabihin. Eto, papatunayan ko.
1) Yung pang basag ng yelo na puwede rin pang-gripo. "Ice Pick" yun diba? Puwede din siyang tawaging "Ice Breaker." Kunwari, may chicks, sasabihin ko, "Hi, I'm Ralph. Can you visit my blog? Comment ka na rin ahhh."
2) Puwede din sigurong may susundutin ako sa mata para makita ang katotohanan. As in "pick the eyes." Balita ko, tiyak na mabisang paraan daw yun para makinig sayo ang mga tao.
3) Pareho ng pangalawa pero, gagamitin sa kasamaan. Bulagin sila para hindi nila makita ang katotohan.
4) Masyado na akong pilosopo at corny. 4:38 am na sa relo ko. So ito na ang huli, "Eye's Pick" = literal na kahulugan, isusulat ko kung ano ang natitipuhan ng mga mata ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
ako po nagbigay sa kanya ng idea dun sa #4! i thank you! bow! hahaha!
pero in fairview! magaling na pag-wo-word pun! hanga na ko! sige na! creative ka na! hahaha!
oo, sayo nga galing... pero, magaling ka pa rin... (labo hahahhaha)
"Eye's Pick" = literal na kahulugan, isusulat ko kung ano ang natitipuhan ng mga mata ko"
hindi ako fond of word pun (kaya nga di ako copywriter db?), pero magaling itong word pun na ito...captures the essence of a good blog ika nga. you see what other's don't. demanding din pala ang mga mata mo...may sense of discretion. haha!
good start! :-)
naks naman ralf, humanga ang diyosa! IBANG LEBEL NA ITICH!
Post a Comment