Sunday, April 22, 2007

The Fool


You are The Fool


The Fool is the card of infinite possibilities. The bag on the staff indicates that he has all he need to do or be anything he wants, he has only to stop and unpack. He is on his way to a brand new beginning. But the card carries a little bark of warning as well. Stop daydreaming and fantasising and watch your step, lest you fall and end up looking the fool.


What Tarot Card are You?
Take the Test to Find Out.

A Good Movie

Sabi nila, maganda daw ang movie na kahit walang sound, maiintindihan mo pa rin sya. Cguro, maganda yng napanood ko sa bus kanina kasi hindi ko mabasa yng subtitle, naintindihan ko pa rin.

Title: D ko mabasa

Setting: Thailand and Australia

Ang Kuwento:


May bata na nabibilang sa isang ethnic tribe ng mga warrior na kasama sa fighting style nila ay naka sakay sila sa elephant. Sa konting flashbacks, napansin ko na mga dugo daw sila mga imperial guards. Tapos, lumkaki ang bata kasama ng kanyang elephant at naging isa syang makisig na binata.

Akalain mo nga naman na may mga poachers. Ninakaw ang kanyang alaga. Sinugod nya mag-isa ang hideout nila. Nalaman nya na isang sindicato sa Australia ang nagpahuli sa kanyang alagang elepante. So, pumunta sya dun.

Pinatumba nya ang lahat ng mga taga sindikato at nagkasama muli sila ng kanyang alaga.

Moral Lesson: Wag kang kikidnap ng alaga ng ibang tao. Di mo alm kng magaling na martial artist yng may-ari. Mahigit 100 buto ang binali nya sa buong film so ingat nlng.

Friday, April 20, 2007

Angst

On my copy test day at Leo Burnett,

1) Nawala ang cellphone ko sa taxi
2) Nag-hang ang iPod ko.
3) Nasira ang belt bag ko

What a great day to take a test.

Monday, April 16, 2007

Bakit Ralfuh?

Para sa mga hindi nakaka-alam ng istorya kung bakit Ralfuh ang tawag sa akin, eto na ang mahabang istorya!

Isang araw, habang naka-upo kami ni Anna sa batcave, may mga lumapit na mga Koreans na on vacation. Masaya silang kasama. Maraming small talk ang naganap. Nagtanungan kami ng mga panagalan, at sinabi ko ang ang sa akin. "I'm Ralph."

"Ah! Ralfuh!"

The end.

Ice Pick? Yun ba yung ginagamit pang gripo?

Oo, tama ka! Akalain mo nga naman na puwede syang gamitin pang gripo sa mga nang-bubuwiset sayo. Puwede din siyang pang basag ng yelo para may malagay ka sa baso mo kapag mainit na ang beer.

Pero hindi naman yun ang titlo eh, Eye's Pick. Magkatunog lang. Yan ang naisip kong pangalan sa blog kasi nainggit ako sa mga kaibigan ko na may blogger. So, bakit nga ba Eye's Pick? Bakit? Kasi "word pun" at marami siyang ibig sabihin. Eto, papatunayan ko.

1) Yung pang basag ng yelo na puwede rin pang-gripo. "Ice Pick" yun diba? Puwede din siyang tawaging "Ice Breaker." Kunwari, may chicks, sasabihin ko, "Hi, I'm Ralph. Can you visit my blog? Comment ka na rin ahhh."

2) Puwede din sigurong may susundutin ako sa mata para makita ang katotohanan. As in "pick the eyes." Balita ko, tiyak na mabisang paraan daw yun para makinig sayo ang mga tao.

3) Pareho ng pangalawa pero, gagamitin sa kasamaan. Bulagin sila para hindi nila makita ang katotohan.

4) Masyado na akong pilosopo at corny. 4:38 am na sa relo ko. So ito na ang huli, "Eye's Pick" = literal na kahulugan, isusulat ko kung ano ang natitipuhan ng mga mata ko.